ANG MGA TUNAY na Cristiano ay may wastong pagkilala sa tunay na diyos. Angwastong kaalaman sa tunay na diyos ay kailangan sa kaligtasan sapagkat ito ay binigyang-diin mismo ng Panginoong Jesucristo:
"At ito ang buhay na walang hanggan, na ikaw ay makilala nila na iisang Dios na tunay, at siyang iyong sinugo, samakatuwid baga'y si Jesucristo."(Juan 17:3)
Ayon sa Biblia ang tunay na Diyos ay ang Diyos ni Abraham, ni Isaac, at ni Jacob(Exo.3:6). Siya rin ang Diyos ng Israel(II Cron.33:16).
Siya ang Diyos na kinikilala ni Cristo at ng mga alagad o ng mga cristiano(Mar.15:34; Juan20:17; Gawa11:26).
Nag-iisa at walang katulad
Ang tunay na Diyos ay ang ama(I Cor.8:6). Siya ay iisa, hindi isa sa tatlo, tatlo sa isa, o trinidad:
"Ako ang Panginoon, at walang iba; liban sa akin ay walang Dios."(Isa.45:5)
Walang Diyos na kasama ang tunay na diyos(Deut.32:39). Wala Siyang kagaya(Isa.46:9). Siya ay mag-isa(Awit 86:10).Hindi nagkaroon ng Diyos bago Siya ni magkakaroon pa man ng iba(Isa.43:10). Sinabi ng Diyos sa kanyang bayan na Siya ang una at huli na iisang Diyos(Isa.48:12).
Ang tunay na Diyos ay Siya ring lumikha ng langit at ng lupa at ng lahat ng naroroon:
"Ikaw ang Panginoon, ikaw lamang;ikaw ang lumikha ng langit, ng langit ng mga langit, pati ang lahat ng natatanaw roon, ng lupa at lahat na mga bagay na nangaroon, ng mga dagat at lahat na nangaroon at iyong pinamalaging lahat; at ang hukbo ng langit ay sumasamba sa iyo(Neh.9:6)
Siya lamang mag-isa ang gumawa nito(Isa.44:24). Nang sabihin Niyang lalangin natin ang tao, ang kausap Niya ay ang mga anghel na laging nasa palibot ng kanyang trono(Apoc.7:11). Subalit, nang isagawa niya ang paglalang, Siya'y nag-iisa(Gen.1:26-27;2:7). At sapagkat ang manlalang ay ang Ama na iisang tunay na Diyos(Mal.2:10;Deut.32:39), hindi maaaring magkaroon ng "Diyos Anak"o"Diyos Espiritu Santo". Hindi maaaring magkaroon ng tatlong Diyos sa iisa, o tatlong persona sa iisa ng Diyos.
Ang Biblia ay may sinasabi rin tungkol sa ibang mga diyos. Subalit, hindi sila gaya o katulad ng tunay na Diyos[Awit 86:8]. Si Cristo man ay may binanggit ukol sa mga "diyos" na ito(Juan 10:34-35); gayundin si Apostol Pablo(ICor.8:5).
Alin ang mga diyos na ito?Sila'y hindi tunay na diyos(jer.2:11), kundi mga diyus-diyusan(Exo.20:3-5). Ang mga ito ay balewala o walang kabuluhan(Isa.41:23-24,MB). Kaya, ang pagsamba sa mga diyus-diyusan ay hidi lamang walang kabuluhan, kundi, gaya rin ng pagsamba sa demonyo:
"Kanilang inihain sa mga demonio, na hindi Dios,Sa mga dios na hindi nila nakilala, Sa mga bagong dios, na kalilitaw pa lamang, Na hindi kinatakutan ng inyong mga magilang."(Deut32:17)
Ang karunungan at kapangyarihan ng Diyos
Ang tunay na Diyos ay makapangyarihan sa lahat:
" At sinabi sa kanya ng Dios, Ako ang Dios na makapangyarihan sa lahat."(Gen.35:11)
Nilalang Niya ang lupa sa pamamagitan ng kanyang kapngyarihan.kanyang itinatag ang sanlibutan sa pamamagitan ng kanyang karunungan, at kanyang iniladlad ang langit sa pamamagitan ng kanyang pagkaunawa(jer.10:11). Wlang imposible sa tunay na Dios(Lu.1:37). At sapagkat Siya ay makapangyarihan sa lahat, wala Siyang pinagkunang iba o pinagkakautangan man ng Kaniyang kapangyarihan.
Si Cristo, bagama't kinikilala ng marami bilang Diyos, ay binigyan lamang ng tunay na Diyos ng lahat ng kapangyarihan sa langit at sa lupa[mat.28:18]. Ang kapangyarihang ito na buhat sa Diyos ay kaniya ring isusuko sa Dios pagdating ng wakas, upang ang Diyos ang maging lahat sa lahat[ICor.15:27-28]. Ang paniniwala na Cristo ay Diyos ay mali sapagkat si Cristo ay hindi makapangyarihan sa lahat.
Nalalaman din ng tunay na Diyos ang lahat. Nalalaman Niya ang nakaraan, ang kasalukuyan, at ang hinaharap(Isa.26:9-10), at alam Niya ang bawat lihim(Ecles.12:14). Samantala, hindi ganito ang Panginoong Jesucristo. Ang araw at oras ng kanyang ikalawang pagparito sa daigdig ay hindi Niya nalalaman(Mat.24:36).
Kaya, ang naniniwala na si Cristo ay Diyos ay dumidyos sa hindi tunay na diyos.
Ang kalagayan ng tunay na Diyos
Ang tunay na Diyos ay espiritu(Juan 4:24), walang laman at mga buto(Lu.24:36-39). Siya'y wlang pasimula at walang hanggan, at walang kamatayan(Awit 90:2; Tim.1:17). Hindi Siya nagbabago at walang anino man ng pag-iiba(Sant. 1:17; Mal.3:6). Siya ay hindi tao(Ose.11:9) o anak ng tao(Blg.23:19). Ayon sa Kaniya, ay ang tao ay hindi Dios(Ezek.28:2; Gawa 12:21-23). Kung gayon, hindi Siya Diyos na nagin tao o Diyos na tao.
Kaya, ang paniniwala na si Cristo ay "Diyos na naging tao"o "Diyos at tao" ay mali hindi ito ang Diyos ng mga tuna na cristiano o ng mga Iglesia ni Cristo.
Ang Pagkilala sa tunay na Diyos
Ang makilala lamang ang tunay na Diyos at malaman ang Kaniyang kalikasan at ang Kaniyang mga katangian ay hindi sapat upang ang tao ay maligtas. Mayroon pang kinakailangang taglayin ang tao--ang pakatakot sa Kaniya. Ang pagkatakot sa Panginoon ay pasimula ng karunungan;
"Ang pagkatakot sa Panginoon ay pasimula ng karununan: At nag pagkakilla sa Banal ay kaunawaan."(Kaw.9:10)
Kaya matapos makilala ang tunay na Diyos at malaman ang Kaniyang tunay na kalagayan o kalikasan at ang Kaniyang mga katangian, ay kinakailangan pa nating patuloy na alamin kung ano ang Kanyang kalooban(Efe.5:17) upang ating magawa ang ating buong katungkulan na sundin ang Kaniyang mga utos:
"Ito ang wakas ng bagay; lahat ay narinig: Ikaw ay matakot sa Dios, at sundin mo ang Kaniyang mga utos; sapagka't ito ang buong katungkulan ng tao."(Ecles.12:13)
No comments:
Post a Comment